Alam natin na ilang araw nalang at election na dito sa Pilipinas, at hindi ito tulad ng dati na manual ang pagboto. Kung hindi ka pa natsismisan ng kapitbahay mo o ng kaopisina mo, o malamang ay masyado kang nawili sa pagfefacebook, eto na ang pagkakataon mo para malaman ang paghahanda para sa Automated na election na ito.
Unang una: Alamin ang inyong lugar na pagbobotohan. Ito yung tinatawag na precinct o presinto (voting center). Usually sa mga schools ginagawa ang botohan. Kung may computer ka sa bahay o may pera ka pang-rent ng computer, pwede mo icheck kung saan presinto ka boboto. I suggest one day before or gabi palang ng May 9, 2010 ay alamin mo na kung saan voting center ka boboto para di ka mahassle. Pwede mong icheck ang website ng comelec, http://www.comelec.gov.ph/precinctfinder/precinctfinder.aspx at makikita mo sa left side ang registration verification sundan lamang ang steps para malaman saan ka nakaassign bumoto.
Pangalawa: May 10, 2010. Dala ang inyong VOTER'S ID, o kung wala o nawawala ang inyong Voter's ID, maari niyong dalhin ang pinakarecent/ bago niyong School ID o Company ID. Pumunta kayo sa presinto (paaralan kung saan kayo dapat bumoto) at dumiretso sa entrance kung saan nakapost ang Posted Computerized Voters List (PCVL) para alamin ang precinct number (numero ng presinto o room sa voting center) at sequence number. Importante na malaman itong impormasyon na ito dahil ibibigay ito sa representative ng Bureau of Election Inspector (BEI) kasama ng ibang personal niyong impormasyon.
Pangatlo: Makinig ng maigi sa paliwanag na ibibigay ng representative ng BEI kung pano ang tamang pagfilled up sa form.Pagkatapos maipaliwanag lahat, ibibigay ng BEI ang ballot. Siguraduhin na malinis at walang marka ang balota sa magkabaligtaran na parte ng ballot.
Pang-apat: Dumiretso sa Voting area para bumoto, siguraduhin na hindi sosobra ang bobotohin ninyo. Halimbawa, isa lang ang dapat niyong iboto sa pangulo ng pilipinas, magshade lamang ng isang bilog para sa pangulong napili ninyo. Alalahanin na wag niyong dumihan at ingatan ninyo ang pagshade sa mga bilog para hindi madisqualify ang inyong balota.
Pang-lima: Pagkatapos niyong bumoto, lumapit sa counting machine at ipasok sa feeder ng machine ang balota ninyo.Hintayin ang confirmation message na makikita sa machine.
Pang-anim: Lumapit sa BEI para magpalagay ng idelible ink.
So, sana naging helpful ang guidance na ito.
Kaya mga kababayan ko, bumoto tayo ng naaayon sa ating puso, utak at isip.
Huwag po natin hayaan masayang ang kinabukasan natin at ng mga pamilya natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment